Simple lang naman ang pamumuhay namin, nangangarap makarating sa ibat ibang lugar sa matipid na paraan. Magkakaibigan, magkumare at magkakapitbahay. Ibat-iba ng karakter at ugali. Ganon pa man magkakaiba man kami ng paniniwala at pananampalataya ay ramdam namin ang respeto ng bawat isa, hindi na kailangan ng salita. At kung meron man kaming bagay na pinagkakasunduan, yun ay ang gumala :)
Ang gaganda di ba?
FLOR
Siya si Flor, byuda at simpleng tao, hindi mayabang kahit na may sariling bakery at tindahan. Mababaw lang ang kaligayahan niya, kahit konting ulam basta maraming kanin sapat na. Siya yung taong walang camera pero hindi nawawalan ng kuha at laging kasama sa lahat ng shot, galit pa yan pag wala siya sa eksena =))
ANNIE
Siya naman si annie, ang fashionista ng grupo. Small but terrible. Kahit lumipat na ng tirahan ay lagi pa rin updated sa galaan, hindi nagpapaiwan.
PALOS
Siya naman si Luz, ang taga-abono pag may short, kaibigan ng lahat. Nabuo ang grupo dahil sa kanya, maboteng makisama =))
NERILYN
Si Nerilyn ang pinakabata sa lahat, cool lang at naghihintay ng update, magugulat ka na lang mauuna pa sa sasakyan =))
PERLA
Siya naman si Perla, ang buddy ni Flor. Seryoso, mukhang istrikta lang sa personal pero sa tv kumakaway =))
DIANA
Si Diana ang editor ng grupo, alas kwatro pa lang ng madaling araw nasa fb na at nag-eedit ng mga pic =))
Yna
Si Yna sa sobrang busy sa negosyo namimili ng lugar na gagalaan. Mabait yan... pag tulog =))
Si Carmina ang singer namin, pandayo kung saan may kantahan.
ROSE
Si Rose, ang pabebe sa grupo, bagets na bagets ang galawan at kung sex appeal lang ang pag-uusapan manahimik ka na lang dahil wala kang laban =))
ERA
Oy teka ako pa no! Ako? Wala lang, maganda lang hahaha!!! Charot!!!
Di mo kailangan maging mayaman para marating ang lugar na gusto mong puntahan, nagagawan na paraan yan at dyan magaling ang Lakwatsera Mommie's. Marami pa kaming pupuntahan :)
Oy teka ako pa no! Ako? Wala lang, maganda lang hahaha!!! Charot!!!
Di mo kailangan maging mayaman para marating ang lugar na gusto mong puntahan, nagagawan na paraan yan at dyan magaling ang Lakwatsera Mommie's. Marami pa kaming pupuntahan :)